Friday, April 1, 2011

Biz Tips: Mga Patok Na Negosyo Sa Pilipinas


Maganda man ang iyong trabaho, pero tiyak akong ang kita mo rito ay hindi talaga sapat kung nais mong pangarapin na magkaroon ng komportableng buhay, may bahay, may ari-arian, may kotse at iba pa. Iyun bang tinatawag na financial freedom

Iyan ang tunay na dahilan kung bakit dapat ma-enganyo ang Pinoy na sumubok mag-negosyo. Ngunit hindi nga naman ganun kadali ang magsimula ng isang negosyo dahil na rin sa walang pagkukuhanan ng puhunan. Tama, mahalaga ang kapital para makapagsimula. Huwag kang mag-alala, hindi naman agad-agad ay sasabak ka sa negosyo na gamit ang malaking kapital. Maiging sumubok ka muna sa maliit. Ito ang ilan sa mga patok na negosyo sa Pilipinas na maaari mong subukan.

Network Marketing

Ang network marketing. Hindi po ito iyung pyramiding o madaliang kitaan. Ang network marketing o mas kilala sa tawag na networking sa Pilipinas ay lehitimo kung mayroong produktong ibinebenta. Patok na patok ang negosyong ito lalo na sa mga estudyante na nais ng part time income, mga nagtatrabaho ng full time pero nais pa ng extra income, sa mga pinoy bloggers na nais mag-endorso ng lokal  na produkto at pati na rin sa mga Pilipino na hirap sa paghahanap ng trabaho.

Food Cart Franchise Business

Usong-uso ngayon ang food-cart. Mura lamang ang puhunan sa pag-franchise ng maliliit na food cart tulad ng siomai food cart, buko shake food cart, waffle food cart at iba pa. At kung gugustuhin mo rin, pwede kang magkaroon ng sarili mong pangalan ng food cart.

E-loading Business

Isa pang hindi na pwedeng mawala sa buhay ng mga Pinoy ang e-loading. Kaya kung nais mong kumita sa e-loading ay isa na ito sa madaling umpisahan. Uso na rin ngayon ang one-sim load all network. 'Yung tipong kahit sarili mong existing number ay pwede mo nang ipang-retail. Mayroon na ring online portal ang mga eloading business gaya ng sa load.com.ph

Buy And Sell Online


May mga luma kang gamit. O 'di kaya nama'y may kontak kang supplier ng mga imported goods. Pwede mong subukan ang Buy and Sell. Sa panahon ngayon kahit wala kang pwesto ay makakapagtinda ka. Ang dami ngayong mga online classified ads na libre kung saan pwede kang magpaskil ng anunsyo.

Piso Printing Business

Murang kapital naman ang mayroon sa Piso Printing Business kaya isa rin ito sa mga patok na i-negosyo sa Pilipinas. Printer, kompyuter, at magandang kalidad na papel ay pwede ka nang magsimula. Maaari mo ring idagdag sa Piso Printing Business mo ang rush i.d, lamination, scanning, xerox at iba pang may kinalaman sa printing.

Generic Drugstore Franchise

Naglipana naman ngayon sa merkado ang mga nagsulputang mga drugstore na nagtitinda ng generic drugs. Hindi tulad noon na tanging branded drugs ang namamayagpag. Dahil na rin sa hirap ng buhay ay napapabili ng generic drugs ang mga Pinoy. Sabi nama'y parehas lang daw ang kalidad nito at mura pa. Kaya kung ikaw ay isang pharmacy o kahit hindi, ay pwede kang maging franchiser ng mga sikat na generic drugstore sa Pinas gaya ng Gamot Publiko, Generika Pharmacy, Generics Pharmacy atbp.

O hayan may ideya ka na sa mga patok na negosyo ngayon sa Pilipinas. Para sa taong 2013, sikat pa rin ang mga negosyong 'yan at patuloy na dinudumog ng mga Pinoy. Ito pa ang ilan sa mga patok na negosyo sa Pilipinas na kayang-kaya ng iyong bulsa.

2013 Updates


  1. Buko Shake Business
  2. Heat Press Tshirt Printing Business
  3. Personalized Item shop
  4. Siomai Food Cart Business
  5. Cellphone Repair Business
  6. Electronics Repair Shop
  7. Laundry Shop
  8. Tahian Ng Basahan o Basahan Business
  9. Pagtitinda ng Home-made Delicacies
  10. Home-made Tocino Business
Alin man sa mga 'yan ang patok. Isipin mo pa rin na kailangan hilig mo ang papasukan mong negosyo. Dahil mas mapapaganda mo ang takbo ng iyong negosyo kapag gamay ito ng iyong kakayahan at talento. 




6 comments:

  1. Its good that I found your blog what you wrote here absolutely right. I can’t help but be amazed on how much sales a food cart business gets in a day.If you don’t have much capital and you want to go into food business, then a food cart maybe ideal for us.

    sugar

    ReplyDelete
  2. ano po kaya ang magandang negosyo pg sa bahay lang?

    ReplyDelete
  3. galing mo more power im working here abroad for long tym so plan ko na tlaga mag bisnis sana makahanap ako ung kaya kong i manage thanks sa blog mo ako ung taong seryoso ayaw manloko sa kapwa tao pagdating sa pera tama na ung minsan maloko hahahahahaha kilangan mag saliksik sa sinasalian

    ReplyDelete
  4. tnx ang gling...buti nlng at nbsa ko toh!! godbless!

    ReplyDelete
  5. nagbibigay ng idea pra kumita.amazing! ang laking tulong sa akin.godbless!

    ReplyDelete
  6. tnxs at nakita ko ang yong blog ... im 53 at out of job pa ngayon ... paano at gaano ba ang kapital nung heat press tshirt printing at ano ang kailangang mga gamit ? please rely ... im manny from mallos city..ty again ...

    ReplyDelete

ShareThis