Sunday, August 19, 2012

Benepisyo Sa Kalusugan Ng GUAVA


Napatunayan na ang guyabano o guava ay isang mahusay na prutas na mayroong mataas na concentration ng antioxidant na pumoprotekta laban sa cell damaga na nagdudulot ng pagtanda ng balat na maaaring magresulta sa cancer.

Bukod sa guava ay mayroon ding Indian plum – tanim ng mga british na magsasaka sa bulubundukin ng Himalaya – mansanas at mangga.

Natuklasan ng mga scientist sa National Institute of India sa Hyderabad na ang concentration ng antioxidant ng guyabano ay nasa 500 mg per 100 grams, 300 mg naman ang sa plum, at 135 naman sa pomegranates.

Ang mansanas ay mayroong quarter ng antioxidant ng guava habang ang saging naman ay mayroon lamang 30 mg per 100 grams. Ang pakwan at pinya naman ay may kaunting proteksyon lamang na hatid laban sa mga free radical na sanhi ng skin damage.

Kahit pa mataas ang fructose ng mangga ay mayroong 170 mg ng antioxidant, tatlong beses na higit sa papaya. Mas masustansya naman ang ubas kumpara sa orange.

Pinapayuhan ng mga experto na kumain ng prutas na may mataas na dami ng antioxidant lalo’t sa panahon ngayon na moderno na ang pamumuhay ay malapit na tayo sa free radicals na nakapipinsala sa ating cell membranes.

Mainam ang guava sapagkat bukod sa mura na ito rin ang siyang may mataas na antioxidant kumpara sa ibang mga prutas.
Source: medicmagic.net

0 comments:

Post a Comment

ShareThis