Wednesday, August 8, 2012

LOVE TIPS: Paano Ka Magugustuhan Ng Girl?


Mahirap sa simula na magkaroon ng interes sa iyo ang isang babae,tamang diskarte at kaunting charm ang kailangan para maging interesado siya sa iyo. Ito ang ilang paraan para mahalin ka kung hindi man ay magkagusto sa iyo ang girl na gusto mo:


Alamin mo kung ano at saan interesado ang isang babae. Pwede kang humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan para malaman mo ang interes niya. Magagamit mo ito kapag nagkaroon ka ng chance na makausap at makakwentuhan ang type mong babae.

Purihin mo siya palagi. Nais nang mga babae na lagi siyang pinupuri, pero siguraduhing hindi ito tipong binobola mo lang siya kasi turn off yan sa mga bebot.

Matutong makinig sa kanyang mga kwento. Huwag iyong puro ikaw lang ng ikaw at tungkol sa mga achievements mo ang iyong binibida. Makwento ang mga babae at gustong gusto nila ang mga lalakeng marunong makinig sa kanyang mga kwento.

Magkwento ka ng mga romantic story. Kilig na kilig ang mga babae kapag nakakarinig o nakapapanood ng mga romantic stories. Maiging mag-share ka sa kanya ng mga romantic stories na pwede ninyong mapagkwentuhan. Pwedeng mga romantic movie na napanood mo. Tiyak na kikiligin siya sa’yo.

Hawakan mo ang kanyang kamay at titigan ang kanyang mga mata. Importante ang eye contact at touching para maramdaman niya ang kuryente o iyong magic. Sa ganitong paraan magkakagusto sa iyo ang babae. Nakikita ang sincerity ng isang tao kapag kaya niyang tumitig ng diretso sa kanyang kinakausap. Una mong titigan ang kanyang mga mata, pagkatapos ay haplusin mo ang kanyang mga kamay.

Bigyan siya ng regalo. Walang masama sa pagbibigay ng regalo kahit pa sa first date mo. Nagpapakita ito ng higit na interes mo sa isang babae lalo pa’t mga bulaklak ang iyong ibibigay.

Kung mayroon kang lugar na lihim mong pinupuntahan. Dalhin mo siya rito at ipaalam sa kanyang tanging kayo lamang dalawa ang nakakaalam na ito ang iyong lihim na puntahan kung ikaw ay nakadarama ng lungkot o nais mong mag-relax. Sweet ito para sa mga babae dahil nagpapakita ito ng pagkakaroon mo ng tiwala sa kanya.

Maging totoo ka sa sarili mo at maging tapat ka. Walang dudang ito ang da best na paraan para mahalin ka ng babae.

Galangin mo siya. Iwasan mo ang pagmumura sa harap niya, bagamat nagpapakita ito na ikaw ay astig na lalake na kaya siyang ipagtanggol kahit na kanino. Turn off pa rin ito sa ibang mga babae.

Huwag mo siyang pilitin sa isang bagay na ayaw niyang gawin. Kapag mapilit ka, aayawan ka ng babae at lalayo iyan sa iyo. Iyong babaeng gusto mo ay hinding hindi na magkakagusto pa sa iyo.
Source: superlovetips

0 comments:

Post a Comment

ShareThis