Wednesday, August 15, 2012

Luya- Lunas Sa Diabetes (GINGER BENEFITS)


Hindi lang sangkap sa pagluluto ang luya para maging maanghang ang lutuin. Sapagkat matagal na panahon ng ang luya ay isa sa mga pagkaing may hatid na mabuting benepisyo rin sa ating kalusugan. Sa salitang Latin ito ay Zingiber officinale na isang traditional medicine para sa iba’t ibang uri ng karamdaman tulad ng muscle pain.


Pero hindi lang muscle pain ang kayang remedyuhan ng luya sapagkat ayon sa mga siyentista ng University of Sidney Australia ay natuklasan nilang ito rin ay makatutulong sa mga pasyenteng may sakit na diabetes. 

Tumutulong ang luya at mga nutrisyon nito sa pagpapabuti ng blood sugar level ng isang tao.

Ang katas ng luya ay mayroong gingerol na kayang magpataas sa glucose patungong muscle cells para sa insulin production.

Dahil sa tulong ng luya o ng ginger na mapabuti ang blood sugar level ng isang pasyenteng may diabetes ay naiiwasan ang paglaganap ng mga komplikasyon.

Sa content na mayroon ang gingerol ay makaiiwas din ang katawan ng tao sa blood clotting. Pinapalabas nito ang mga adrenal hormone na pampataas naman ng pagdaloy ng dugo. Kaya naman bukod sa diabetes, ang luya ay tulong din upang makaiwas sa banta ng stroke at sakit sa puso dahil inaalis nito ang mga sagabal sa ating blood vessels.

Iba pang kakayahan ng luya na napatunayan na sa paglipa ng panahon ay ang pagalingin tayo sa ubo, trangkaso, diarrhea, sore throat, nausea at iba pa.
Source: medicmagic.net

0 comments:

Post a Comment

ShareThis