Friday, August 3, 2012

Mga Pagkain Pampaganda Ng Kutis (Skin Care)



Mahalaga ang pagkain para sa ating kalusugan. Kaya’t importante rin na malaman kung ang mga kinakain natin ay may tulong sa ating kalusugan o may dulot na negatibong epekto sa katawan natin. Ang pagkain na may sapat na nutrisyon ay nakatutulong din para gumanda at sumigla ang an gating kutis. Bukod rito, ang sapat na nutrisyon na nagmumula sa ating mga kinakain na masustansya ay nagpapatibay at nagpapalakas rin sa ating immune system.

Alam na natin na ang pagkain ng papaya ay maganda sa balat, pero heto pa ang ilan sa mga pagkain na nakatutulong para sa pagpapaganda ng ating kutis at ito ay maituturing na skin care tips para sa lahat:

Ang pagkain ng low fat yogurt na mayaman sa Vitamin A ay mahusay sa pagpapasigla ng kalusugan n gating balat. Higit pa riyan, kung may thyroid problem ka o diabetes, maigi ang pagkonsumo ng yogurt.

Mataas naman sa anti-oxidant ang Berries. Ang regular na pagkonsumo ng berries ay nakapagpapabawas ng pagdami ng wrinkles. Bukod pa riyan, ito rin ay nakapagpapabata at nakapagpapasigla ng kutis.

Kailangan din ng ating balat ang essential fatty acids. Pwede mo itong makuha mula sa pagkain ng mga isda at pati na rin sa flaxseed at canola oil. Nakakatulong ito para ma-moisturize ang balat at makaiwas sa pagkatuyot. Isa sa mayaman sa essential fatty acid ang salmon.

Ang green tea ay mayaman sa polyphenols na mayroong anti-inflammatory property. Nilalabanan ng mga anti-oxidant na makukuha sa green tea ang mga free radicals.

Ang berdeng prutas naman na avocado ay mayaman sa Vitamin B at essential oil na isa ring mayaman sa anti-inflammatory property na nakatutulong sa balat kapag nakararanas ng irritation.

May Vitamin A ang mangga na tumutulong namang ayusin ang mga dead skin cell para maging masigla ang kutis.

Para naman labanan ang premature aging ay ugaliin ang pagkain ng almond. Ito ay mayaman sa Vitamin E na maiging sa pag-moisturize ng balat.

At ang huli, ang keso (cottage cheese) ay mayaman sa selenium, isang essential mineral na nakatutulong sa ating balat.

Ikaw ba ay hindi mahilig kumain ng mga ito pero nais mong magkaroon ng magandang kutis? Bakit hindi mo simulan na ngayon na maging paboritong pagkain ang mga nabanggit.
Source: medicmagic

0 comments:

Post a Comment

ShareThis