Tuesday, August 7, 2012

Milk Tea Business – Swak Sa Panlasa Ng Pinoy



Ang milk tea ay nagmula sa Hongkong at may impluwensiya din ng mga Briton na matagal ding namalagi sa bansang iyon. Ang masarap na inumin na ito na swak sa panlasa ng pinoy ay binubuo ng black tea na may halong condensed milk o evaporada. Hindi tulad ng mga tsaa galing tsina na plain lamang ang lasa, ito ay mas malinamnam dahil sa hinalong matamis na gatas. Ang milk tea ay isang uri ng bubble tea na kilala rin sa tawag na pearl tea o boba tea na nagmula sa bansang Taiwan.
Kaya’t kung mahilig ka sa tsaa. Isang kumikitang kabuhayan ang negosyong pagbebenta ng milk tea para sa iyo. Ito naman ang ilang tips para magsimula

Pumili ng isang milk tea recipe na angkop sa lugar na iyong pagbebentahan. Maiging alamin mo kung ano bang milk tea recipe ang swak sa panlasa ng mga customer mo, iyung tiyak na babalik balikan ka.Pag-aralan ito sapagkat bawat tao ayon sa kanilang edad ay may kanya-kanyang panlasa. Ngunit huwag mo ring kalimutan na mag-offer pa ng iba’t ibang klase ng milk tea recipe gaya ng pagdadagdag ng soy milk o prutas na lalo pang magpapalasa rito.

Maging orihinal. Popular na negosyo na ang milk tea sa bansa kaya’t kinakailangan ang iyong orihinal na konsepto para maging iba ka sa iyong mga ka-kompetensiya. Pare-pareho man ang paggawa ng milk tea ngunit pwede kang maging original sa paraan ng iyong pagse-serve.

Gawin mong bida ang iyong customer. Makinig ka sa kanilang suhestiyon at tanggapin ang kanilang kritisismo. Mahalagang bagay ito sa mga negosyante. Ang customer ang siyang magdadala ng tagumpay sa iyong negosyo kaya’t importante ang kanilang komento. Makipag-kwentuhan sa kanila, alamin kung ano sa mga milk tea recipe mo ang lubos nilang nagugustuhan at pati na rin iyong mga hindi. Sa ganitong paraan ay mapag-aaralan mo ang iyong market.

Maging isang mabuting lider sa iyong mga empleyado. Matutong pahalagahan ang iyong crew and staff, sila ang mukha ng iyong negosyo kung kaya’t dapat na maging mabuti ka sa kanila at ipakita sa kanila na concern ka sa kani-kanilang sitwasyon. Higit pa riyan, ang ilan sa mga empleyado mo ay maaaring may kakilala ring kamag-anak o kaibigan na pwedeng maging suki ng iyong milk tea business.

I-rehistro ang iyong negosyo. Protektahan mo ang iyong negosyo pati na ang iyong recipe sa pamamagitan ng pagrerehistro at pagkuha ng mga kaukulang permit para ikaw ay makapagsimula.

Mahilig mag-tsaa? Naghahanap ng negosyong swak sa panlasa? Milk Tea Business yan Katoto.
Source: Businessdiary

0 comments:

Post a Comment

ShareThis