Monday, August 6, 2012

Tips Para Pumuti at Kumintab Ang Ngipin (Teeth)



Sino ba naman sa ating hindi gustong magkaroon ng maputi at makintab na ngipin? Tayong lahat syempre. Maraming paraan para pumuti ang iyong ngipin. Sa katunayan nga mayroon ding mga prutas na nakakatulong para magkaroon ng white and shiny teeth. Pero bukod pa roon, ito rin ang ilang tips para pumuti at kumintab ang ngipin mo katoto:
  1. Gumamit ka ng whitening strips. Gamitin mo ito anim na oras matapos ang iyong pagsisipilyo. Huwag mong kalimutan na patuyuin muna ang iyong ngipin gamit ang tissue bago mo ito gamitin.
  2. Gumamit ng hydrogen peroxide liquid. Gamit ang isang malinis na cloth, i-dip mo ito sa liquid na ito at pagkaraa’y marahang i-rub sa iyong ngipin. Nakaalis ng mantsa sa ngipin ang peroxide.
  3. Gumamit ng mga brand ng toothpaste na may whitening content. Hindi man agaran na puputi ang iyong ngipin. Sa kalaunan nama’y unti-unti nitong aalisin ang mansta sa ngipin mo.
  4. Gumamit ng lip gloss na blue colored base. Ang mga kulay na tulad ng cherry red lip gloss, wine o berries ay nakatutulong para magmukhang maputi ang iyong ngipin.
  5. Laging magsipilyo 20 minutos matapos mong kumain. Sa palagian mong pagsisipilyo ay makatutulong ito sa kalusugan ng iyong ngipin. Bukod sa pagsisipilyo ay huwag mo ring kaligtaan ang pagtungo sa dentista kada anim na buwan para magpa-cleaning.
  6. Umiwas sa paninigarilyo. Nagdudulot lang ito ng mansta sa ngipin. Iwasan mo rin ang pag-inom ng mga inuming may kulay gaya ng tsaa, red wine at blue berry.

Ang tips na ito ay safe gawin pero isang paalala bago sumubok ng mga produktong pampaputi ng ngipin ay mas maiging kumonsulta muna sa inyong dentista.
Source: medicmagic

0 comments:

Post a Comment

ShareThis