Thursday, August 2, 2012

Tips Sa Paggawa ng Homemade Tocino


Dalawa sa all-time favorite na pagkain ng pinoy lalo na’t sa almusal ang Tocino at Longanisa. Masarap na i-partner ito sa mainit na kanin o sinangag. Bukod sa masarap na lasa ay masarap din itong pagkakitaan.

Halina’t tuturuan naming kayong gumawa ng homemade Tocino para magkaroon ka ng extra income:

Mga Sangkap ng Pork Tocino

Apat a kilong pork round o shoulder butt P640
Apat na teaspoon ng phosphate P2.00
1 tasa ng tubig
½ tasa ng asin P5.00
2 teaspoon ng curing salt P1.00
3 tasa ng asukal P18.00
¼ tasa ng dinurog na bawang P10.00
½ tasa anisado wine P5.00
½ tasa ng pineapple juice P15.00
Opsyonal naman ang food coloring na kulay pula P1.00
2 tableta ng dinurog na ascorbic acid P5.00

Ito naman ang paraan ng pagluluto:
  1. Hiwain ang baboy. Ang kapal ng piraso ay dapat na may sukat na ¼ pulgada. Ilagay ito sa fridge.
  2. Magtunaw ng phosphate sa tubig.
  3. Sa isang palangana, pagsamahin ang rock salt, curing salt at phosphate solution. Paghaluin itong maigi. Idagdag ang hiniwang baboy. Pagbali-baliktarin ang baboy hanggang sa mabalutan ng pinagsama-samang solusyon.
  4. Ilagay o idagdag pa ang anim na natitirang rekado ay haluing maigi hanggang sa maging well blended ito.
  5. I-cure sa loob ng fridge ng mga isa hanggang dalawang araw o sa room temperature na walo hanggang sampung oras.
  6. I-pack ito sa isang polyethelene bag, i-freeze hanggang sa kailangan

Para sa kalkulasyon ng ipupuhunan:

Sangkap ay aabot ng 699 p
Ang preparasyon o labor 150 piso
Ang packaging 10 piso
Kabuuang kailangan 859 piso
Ang gastos sa isang pack – 85 piso (10 pack ng ½ kilo bawat isa)

Rekomendadong Presyo
Total ng cost kada pakete 137 p
Estima ng kikitain
Benta 1400.00 piso
Tubo 541.00 ( ayon sa total ng benta minus total ng gastos)

Ikaw mahilig ka bas a tocino? Sundin ang tips na ito para ang paborito mong tocino ay maging instant negosyo mo.
Source: Businessdiary

0 comments:

Post a Comment

ShareThis